"Hangal ako sa pag-aakalang kaya kong palitan si Jessica sa puso mo, Andrew. Pero mas hangal ka dahil hanggan ngayon, siya pa rin ang nasa puso mo."
Mga teenagers pa lang sila, lihim nang umiibig si Celia kay Andrew. Ngunit sa pinsan niyang si Jessica umiibig ang binata.
Lihim na iniyakan ng dalaga ang kabiguan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, kay Jan, ang panganay na kapatid ni Andrew, nagpakasal si Jessica.
Handang gawin ni Celia ang lahat para mapalitan si Jessica sa puso ni Andrew. Magkaibigan na sila. In fact, they were more than just friends though less than lovers, hindi mahirap para sa kanyang mapalapit sa puso ni Andrew.
Pero paano kung sa sulok ng bahagi ng puso ni Andrew ay si Jessica pa rin ang nakaukit doon?