"You're selfish, Andrew. Ayaw mo akong lumigaya. Ikaw ang selfish,
Jessica. Pati damdamin ko gusto mong saklawan. I should hate you... How I wish I Could..."
Debut ni Jessica. Imbitado ang mga Falcon na taga-Maynila. Masama ang loob ni Jessica kay Andrew dahil sa paninikis nito sa kanya kaya itinuon nito ang buong atensyon sa kapatid nito sa ama, kay Jan. But little dis she know na talagang maakit siya nang husto kay Jan. At sinong babae ang hindi? Mula sa pamilyang Falcon, charming, handsome and debonaire.
Ang hindi niya alam ay sadya siyang inakit ni Jan Falcon upang pasakitang higit ang kinasusuklamang kapatid sa labas.
Subalit paano matutuklasan ni Jessica ang totoong damdamin ni Jan sa kanya gayong bawat kilos nito ay puno ng pagmamahal?
Paano si Andrew?