I know I still have to prove to you how much I love you. But cant we just marry and I promise to court you for the rest of my life?
Raina became passive because her heart was broken by Livius, the very first man she fell in love with. After that, she never had any successful relationships. Kaya hindi na siya gaanong interesadong makipag-meet-and-greet sa mga lalaki.
Enter a friend of her who was very eager to introduce her to whoever men there was, para lang hindi magkatotoo ang pangamba ng kanyang mga magulang na magiging single siya forever. Kailangan daw mag-relax ni Raina para luminaw ang inaagiw niyang utak. So her friend proposed a weekend getaway.
Napadpad sila sa isang beach and nature club. Maganda ang lugar at talaga namang nakaka-relax. Subalit nasira ang pagre-relax ni Raina nang malamang ang makakasama sa cottage ay walang iba kundi ang lalaking ayaw na niyang makitasi Livius. Ang ikinaiinit ng ulo niya, panay ang pa-cute ng lalaki na para bang hindi alam ni Raina na matagal na itong cute, panay ang buntot sa kanya saan man siya magpunta, at wala nang ginawa kundi itaboy ang lahat ng lalaking nagpapapansin sa kanya. At naiinis siya sa sarili dahil imbes na mainis kay Livius ay nagugustuhan pa niya ang ginagawa nito.