“I don’t want to be anywhere else than by your side.”
Mortal na kaaway ang turing ni Elice kay Lloyd dahil literal na hindi nito pinatatahimik ang buhay niya. Inis na inis siya rito kaya hindi rin niya inaasahang maging mabait ito sa kanya. Ngunit nagkamali siya ng akala dahil ipinagtanggol siya ni Lloyd sa kulugong ex-boyfriend niya.
Doon niya napansin na may itinatago rin palang kabutihan sa katawan si Lloyd na hindi niya nakita noon. Napansin na lang niya na lagi na itong nasa kanyang tabi. Umabot pa nga sa puntong nagpanggap pa itong pasyente niya para lang makasama siya. Naging malaking tulong kay Elice na kasama niya ito dahil naibsan ang kalungkutang nadarama niya. Pero hindi niya akalaing ang madalas din nilang pagsasama ay magbibigay rin ng daan upang muling magmahal ang puso niya. Na sa kalaunan ay nawalan din ng saysay nang sabihin nitong walang “tayo” sa pagitan nila.