Matapos maging Public Enemy Number One si Sylvie dahil sa pamamahiya niya sa sikat na young adult writer na si Lancelot Knight Valdrez, kailangan niyang bumawi sa lalaki para hindi na siya kuyugin pa ng madla. At may ilan itong tasks sa kanya. Naging admin siya ng page ni Lancelot at official photographer. Tutulungan din siya ng lalaki na pasikatin ang mga naisulat ng namayapa niyang boyfriend na si Mark Andrew. At isusulat din nito ang buhay ni Mark Andrew para patunayang hindi ito sabaw at guwapo lang kaya nagustuhan ng mga tao.