Puntahan mo si Victor at ibigay mo ang sulat na kalakip ng sulat kong ito sa iyo, apo. Hindi ka niya pababayaan.
Iyon ang nakasaad sa sulat na iniwan ng namayapang lolo ni Sharlotte para sa kanya. Naroon din sa sulat ang address ng lalaking tinutukoy nito—si Victor Marquesa.
Wala man siyang ideya sa kapalarang naghihintay sa kanya ay tumungo siya sa Legaspi City dahil wala na siyang ibang mapupuntahan.
Hindi niya akalain na dalawang Victor ang daratnan niya sa bahay na sadya niya—ang isa ay puti na ang buhok at magiliw ang ngiti sa kanya at ang isa naman ay animo Hollywood actor sa kaguwapuhan. Iyon nga lang, kung makatingin ito ay mistulang isang alligator na nais siyang lapain.
“You’ll stay here with us, child,” sabi ng matandang Victor.
“How long, Grandpa?” tanong ni Victor, the Alligator. Alam niya, nagkaroon siya ng kaaway sa katauhan nito. He planned to expose her “evil” ways but she had another plan: Pababaitin niya ito.