"Tuwing mahahawakan kita, tuwing mapapatingin ako sa mga mata mo, tuwing makikita ko ang mga ngiti mo, napakasaya ko. Sa simpleng mga bagay na iyon ay nagagawa mong buuin ang mga araw ko. Mahal na mahal kita." Torpe problem. Iyon ang dahilan kung bakit napilitan si April na mag-a-la kupido para kay Andrew - ang lalaking ubod ng guwapo pero tumitiklop sa harap ng babaeng napupusuan nito. Ang siste, nagpapalakad sa kanya ang binata sa babaeng nanulot lang naman sa mga ex-boyfriend niya. Kung hindi ba naman tinamaan ng magaling! Gayunman, go pa rin si April sa role bilang Kupido. Pero bakit ganoon, habang tumatagal ay lumilihis ang pana ng pag-ibig at sa halip ay ang puso niya ang tinutumbok? At nang magkabutihan na si Andrew at ang magaling na babae, tila siya naman ang gustong manulot ng boyfriend ng may boyfriend...