Raz hated Antonio. He was a bum and a tease. Pero wala siyang nagawa nang magtago ang lalaki sa poder niya. At dahil sa laki ng utang-na-loob sa ama ni Antonio na siyang may-ari ng Refreshed Asia—ang kompanyang namamahala sa Sweet Booster Energy Drink na isa siya sa mga product endorser—ay hindi siya nakatanggi nang pakiusapan siya ng matanda na patinuin ang anak nito. Sa huli, nanatili si Antonio sa kanyang poder pero pinahirapan niya sa pagtatrabaho sa talyer na pag-aari niya.
Pero nang tumagal ay nag-iba ang pagkakilala ni Raz sa lalaki nang magbago ito at naging kaakit-akit sa kanyang paningin. Unti-unting nawala ang inis niya kay Antonio at napalitan iyon ng paghanga hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob niya rito.
But she needed to stop right there. Magkaiba ang mga mundo nila at alam niyang hindi sila magtatagpo. Isa pa, isang malaking sikreto ang misyon niyang mapatino ito. Paano niya iyon ipagtatapat nang hindi iisipin ni Antonio na niloko niya ito, samantalang talaga namang nakipagsabwatan siya sa ama nito?