Para kang bola ng basketball. Dahil kahit may nagmamay-ari na ng puso mo, gusto pa rin kitang i-steal para maprotektahan nang buong lakas ng pag-ibig ko.
Hindi naging maganda ang pagkakakilala ni Sundae kay Lance dahil sinapak ni Lance si Soulang ultimate crush ni Sundae. Basta para sa kapakanan ni Soul, ipaglalaban ng dalaga. Pero nang malaman niya na stepbrothers pala ang dalawa, biglang nagkaideya si Sundae na makipaglapit kay Lance para mapalapit kay Soul na nuknukan ng sungit sa kanya.
Natuwa naman si Sundae dahil hindi siya nahirapan na mapalapit kay Lance. At dahil neglected ang feeling ni Lance sa ama, si Sundae ang tumulong kay Lance para mapagsabay ng binata ang paglalaro ng basketball para sa team ng eskuwelahan at mapataas ang grades sa academics. Palagi kasing si Soul ang pinupuri ng ama ni Lance dahil matalino at magaling sa basketball si Soul.
Nagtagumpay naman si Lance. Tumaas ang grades ng binata at nag-champion pa ang team ng eskuwelahan nila, pero naiwang talunan ang puso ni Sundae. In love na kasi siya kay Lance at hindi na kay Soul