Hindi lang siya basta nawawala sa tamang huwisyo kapag malapit ito, kayang-kaya rin siyang pasunurin sa bawat naisin nito tuwing nasa mga bisig siya nito.
Sa trabaho lang ni Bainisah bilang isang kilalang newscaster nakasentro ang buhay niya. Hanggang sa isang araw ay lumitaw ang kanyang knight in shining armor sa katauhan ng guwapong sundalo na si Vladimir Mondragon. Iniligtas siya nito mula sa nagtangka sa buhay niya. He evoked strange but powerful emotions she had never felt before. Napakahirap bale-walain ang damdaming iyon, napakahirap itanggi sa sarili niya ang epekto sa kanya ng binata.
Mukhang pareho lang sila ng nararamdaman ni Vladimir. Daig pa nila ang apoy na nagliliyab kapag nagkakalapit sila. Naniniwala siya na ang anumang mayroon sila ay higit pa sa matinding physical attraction. Na mahal siya nito gaya ng mahal niya ito. Na panghabang-buhay na ang kung anumang mayroon sila.
Pero nagkamali siya. Hindi niya inasahan ang isang pangyayari na siyang dahilan upang manganib na mawala ito sa kanya