“Ano’ng akala mo sa feelings ko? Relationship status sa Facebook na isang click lang, mapapalitan na agad?”
Ladybug Encarnacion, at twenty-seven, was a professional bogus journalist. Idagdag na rin sa family background niya ang “sumpa” ng pamilya niya na nagsasabing mamamatay siya bago mag-treinta anyos kung hindi niya mananakaw ang unang halik ng isang binatang Avelio.
Cricket Avelio, at twenty, was a promising student journalist. Siya rin ang magiging “lunas” sa sumpa ng isang dalagang Encarnacion—si Ladybug. Ang problema, bukod sa hindi type ni Cricket si Ladybug, magkaibang-magkaiba rin ang prinsipyo nila sa buhay, lalo na sa larangan ng pamamahayag.
Ngayon, itinakdang magsama ang dalawa sa pagsusulat ng pinakakontrobersiyal na balita sa buong Pilipinas tungkol sa alkalde ng isang probinsiya. Gayunman, magkasalungat ang pinili nilang papel:
Si Ladybug, sumumpang pababanguhin ang pangalan ng alkalde. Si Cricket, sumumpang isisiwalat ang katotohanan.
Hanggang sa natuklasan ni Ladybug na totoo ang sumpa, at si Cricket lang ang makakapagpalaya sa kanya. Pero paano niya nanakawin ang unang halik ng lalaking galit na galit sa kanya?