Sa pag-ibig, theres no such thing as social status and physical attributes. When you fall in love, you just fall.
Akira Ann never thought she would see Ace Sean Villaderez again, after everything between them ended a few years ago. Akala niya ay hindi na sila magkikita pang muli subalit muling nagkrus ang mga landas nila nang muntik na siyang madisgrasya ng kapatid nitong si Spade. She tried distancing herself from him again. Iyon din naman kasi ang gusto ni Ace, ang hindi ipaalam sa iba ang nakaraan nila. Bukod pa roon ay may girlfriend na ang lalaki at wala siyang balak na maging mang-aagaw.
She tried staying away from him but it seemed that destiny wasnt on her side. Dahil sa tuwina ay pinagtatagpo talaga sila ng tadhana. Was it a sign from above that they were meant to stay with each other forever?