Kung sa bawat pagdilat niya ay ang guwapong mukha nito ang makikita niya, mayat maya na lang siyang pipikit.
Maora met an accident while walking in her school. Thanks to the reckless young Rushmore Forteza. Nasira nito ang mga paninda niya na kapag nabenta ay ipambibili sana niya ng regalo sa birthday ng kanyang ina. Bumawi naman si Rushmore at nangakong babayaran na lang ang mga iyon. Sa murang edad ay tusong negosyante na si Maora. Dahil doon, nagawan niya ng kasulatan ang pangakong iyon ng binatilyoutang na naging daan upang magkaroon sila ng pagkakataon na muling makilala ang isat isa pagkalipas ng ilang taon.
Hanggang sa makilala rin ni Maora ang isa sa mga kaibigan ni Rushmore na si Lemuel.
Bayaran mo ang utang mo sa `kin, deklara ni Maora. A date with Lemuel Acosta.
Umoo naman si Rushmore para matapos na ang pagsisingilan nila. Pero ni minsan ay hindi natuloy ang date na iyon dahil ang lagi niyang nakakasama ay si Rushmore mismo na laging mainit ang ulo sa kanya.
Tuwing nakikita kita, naaalala ko lang ang mga bagay na matagal ko nang nakalimutan.
Hindi niya naintindihan ang sinabing iyon ng binata. Pero ang lalong hindi niya ma-gets ay kung paanong sa halip na si Lemuel ang pinapangarap niya, si Rushmore na lang lagi ang hinahanap niya.
Ang puso niya, mukhang nahawa na sa pagbabasa niya ng mapa nang pabaliktad.