Para mabawi ni Olay ang kapatid niya ay kailangan niyang makapasok sa Stallion Island. Doon muling nagkrus ang mga landas nila ni Noah Ames, ang lalaking ayaw na niyang makita pa. Nang malaman nito ang sekreto niya na nandaya siya para manalo sa gay beauty pageant ay inani niya ang galit nito. Binigyan siya nito ng dalawang buwan para ibalik ang premyong nakuha niya sa pageant, kung hindi ay paaalisin siya nito sa isla at ibubulgar nito ang sekreto niya. Pero posible ba na ma-in love siya sa lalaking walang tiwala sa kanya, lalo na’t pinangakuan din siya nito ng isang halik na makapagpapabaliw sa kanya? Tatakbo na lang ba siya palayo sa tawag ng tukso? O isusugal niya ang puso kahit na masaktan siya?