Shocked na shocked si Sam. Isang araw pa lang pagkatapos niyang maging nobyo ang guwapong pulis na si Ross ay hindi na nagparamdam sa kanya ang binata. Nalaman na lang niya na may kinahuhumalingan ito na isang pagkaganda-gandang babae sa pinaka-low-class na bar sa Maynila.
Hindi makapaniwala si Sam na itatapon lang ni Ross ang espesyal nilang samahan na pinagsaluhan nila noong nanliligaw pa lang ito sa kanya. At ang mas shocking pa roon ay ang kaalamang ni hindi maalala ng binata kung sino siya!
Ah, hindi siya papayag. Nagpasya siyang imbestigahan ang babae at ganoon na lang ang panghihilakbot niya sa natuklasan.
Kailangan niyang mailigtas si Ross mula sa hindi ordinaryong nilalang na iyon...