Hindi ako magsasawa. Sige lang. Busugin mo ako ng love mong `yan. Akin ka lang talaga. Dapat walang ibang kahati.
May mutual understanding si Cassie at ang best friend niyang si Brett. Pero dahil bata pa at takot, nang magdesisyon si Brett na i-level up na ang kanilang relasyon ay tinaggihan iyon ni Cassie. Unti-unti silang nagkalayo hanggang sa tuluyan na ngang naputol ang kanilang komunikasyon nang pumunta si Brett sa ibang bansa.
Akala ni Cassie ay magiging NBSB na siya habang-buhay dahil hindi pa rin siya nakaka-move on sa kanyang best friend. Pero hindi. Nakasama niya si Renzo, ang pinakakinaiinisan niyang lalaki. Dahil sa patakaran ng kanilang eskuwelahan, obligado si Cassie na maging tutor ng binata.
Unti-unting nagka-develop-an sina Cassie at Renzo. Pero nagkaproblema sila nang dumating ang kanilang mga first love. Sariling desisyon ang kalaban nina Cassie at Renzo sa pagbabalik ng mga taong parte ng kanilang nakaraan. Pero ano man ang mangyari, handa na nilang ipaglaban ang kanilang nararamdamanbagay na hindi nila nagawa noon.