Never naman talaga kitang nakitang brotherly figure. Asawa, puwede pa.
Bata pa lang si Sophie ay pangalan na ni Jed ang lagi niyang bukambibig. Jed as her hero, her love, and her one and only. Kaya nang malamang may ibang nagugustuhang babae ang binata ay binakuran na niya ito nang todo. Kesehodang mag-aral siya ng pagluluto para lang mahuli ang kiliti nito. Pero mukhang kahit ano ang gawin ni Sophie ay hindi niya makuha ang amor ng kanyang amor.
And so she concocted Sophies Love Recipe. And the three secret ingredients: a pinch of charms, a teaspoon of subtle seduction and a cup full of patienceno, actually, make that a full bowl of patience.
Ano pa kaya ang kulang sa kanyang recipe para sa wakas ay makuha na ang matamis na oo ng kanyang one and only Jed?