"I love you, Adan. Maybe because you've never tried to please me. But really, I never thought of such reasons. I love you... kasi iyon ang nararamdaman ko."
Hinagod siya ng tingin ni Adan, at saka ibinalik iyon sa mukha niya. Kinilabutan siya. Iyong masarap na uri ng kilabot na nakakapagpalambot sa tuhod niya.
"Queenie, we have established a passionate tension between us. We never know what would happen next."
Passionate tension, by golly! Napailing siya.
"You know what will happen. You see this?" Itinaas nito ang isang kamay; ang hintuturo at hinlalaki ay halos magkadikit, bahagyang-bahagya lamang ang awang sa pagitan. "I'm this close to taking you!"
"So, bakit hindi mo ginagawa?" hamon niya rito.
"Queenie!" anito sa pagitan ng nagtatagis na bagang. "Sinusubukan mo ba ako?"
Umiling siya. "I'm just asking."
Nakita niya ang pag-alon ng dibdib nito. Alam niya ang hindi birong pagkontrol nito sa sarili. Ngunit wala siyang nararamdamang takot dito at sa halip ay tila nasasabik siyang maghintay na maangkin nito...