"I cannot imagine myself being married to you..."
"Anak, kahit kami ng papa mo ay wala ring ginawa noon kundi ang mag-asaran at mag-away, pero heto at kitang-kita ninyong magkakapatid how successful this marriage is," sabi ni Roselle sa binatang si Juniel.
"Hindi puwedeng kapareho ng sa inyo ang mangyayari sa amin!" Halos magkatulad ang katwiran ng dalawa.
Ipinagkasundo sina Bernadette at Juniel ng mga inang mula't sapul pa ay magkaibigang matalik. At kung hindi pa nag-aapura ang mga itong matupad ang kasunduan ay hindi nila malalaman.
Sa panig ni Bernadette ay gusto niyang magrebelde. Kailan man ay lagi nang masunurin siya sa mga magulang. Pero hindi niya ma-imagine ang sariling hanggang sa ganoong extent ay susunod siya sa gusto ng ina.
Pero paano tatanggihan ng sino mang babae si Juniel na sa bawat titig nito'y nakapagpapatunaw ng puso kahit ito'y bakal?