“Baka paggising ko bukas, wala ka na… At wala na rin ang puso ko.”
Nice girl ako—noon.
Forgiving ako—noon.
Loving and kind ako—noon din.
Binago ako ng f**boy kong boyfriend. Nagpatawad ako sa unang dalawang beses na panloloko pero sa ikatlo, itinapon ko na ang pagiging nice, loving, at forgiving.
I can be bad, too.
Puso ang sinaktan. Sa puso rin ako gaganti.
Kulam, besh!
Pero OA ang professional fee ni Madam Virukka, ang mangkukulam aka life coach daw na nakita ko sa Google. At non-refundable iyon—tumalab man o hindi ang kulam! Dahil abot hanggang langit na ang galit ko sa ex ko, pumayag ako.
Pero hindi lang pala iyon ang pagkakagastusan ko. Ayon kay Madam, may ‘special service’ pa para makatulog daw ako. Hindi raw kasi magiging maayos ang kulam kung nasasagap niya ang negative energy ko. Kailangang mahimbing ang tulog ko. At para maging posible iyon, may ni-recommend siyang lalaki, si Seb—macho at nakakatulala ang kaguwapuhan, besh!
At ang special service?
Yayakapin ako magdamag!
Ang puso kong basag at needy, parang nate-tempt ma-fall kay Kuyang Guwapo. Paano na? Another heartbreak?
Pakatanga uli basta happy lang?
Ang hirap…