“Ang sukatan ng true love, hindi paglalagay ng sukatan.”
Below the belt ang ginawang pagtataksil ni Bjorn kay Iza. At para makaganti sa f*ckboy na boyfriend, ipinakulam ni Iza ang lalaki sa maladiyosa sa kagandahan na si Madam Virukka. Sa kasamaang-palad, nasunog na niya ang lahat ng gamit ni Bjorn. Briefs na lang nito ang natira at iyon ang ibinigay niya kay Madam para makompleto ang ritwal ng pangkukulam. Kaya lang, imbes na lumiit ay lumaki nang three times ang genitals ni Bjorn.
Sa gitna ng palpak na pangkukulam ni Madam Virukka ay nakilala ni Iza ang chubby bakeshop owner na si Gino. Binago ng lalaki ang pananaw niya sa kahulugan ng love at love relationship. Mabilis na nahulog ang loob niya kay Gino. May malaking problema nga lang. May claim na sa lalaki ang magandang mangkukulam.
Kaya ba niyang banggain ang alindog at powers ni Madam Virukka sa ngalan ng pag-ibig? Na kahit pumapalpak ay tumatalab pa rin naman?