"Kailanman ay hindi nagsinungaling ang puso ko nang sabihin kong mahal kita..."
Nang araw mismo na ikasal sila ni Ricardo Gatchanova ay umalis ito at hindi na nagbalik. Napilitan si Laura na sundan ito sa address na iniwan sa Maynila. Subalit ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makaharap si Ricardo. Ang lalaking kaharap niya ay hindi ang mismong pinakasalan. Sinamantala niyang maysakit itong amnesia at nagpanggap na asawa upang malaman ang buong katotohanan.
Paano kung matuklasan ng tunay na Ricardo ang panloloko niya? Kaya ba niyang mawala ito gayong natutunan na niyang mahalin? Nasaan ang Ricardo na pinakasalan niya?