“Thank you for loving me. For turning my world upside-down. For making my life worthwhile.” Pambayad-utang. Iyon ang inakala ni Lexi na ginawa sa kanya ng kanyang ina. Pero sa lahat naman ng may pautang, si Zane Kimionis pa ang super-galanteng magpa-“suweldo” sa serbisyo ni Lexi. Nagsimula sa isang hamon ang pagiging magnobyo nila, hanggang sa lumobo at maging full-blown ang atraksiyon nila sa isa’t isa. Natanto ni Lexi, kay Zane lang yata siya lalagpas sa limitasyong itinakda niya sa sarili. Kaunti pa ay baka mahirapan na siyang magpigil…