Nag-pole dancing ako, kumanta ako. Lahat ng `yon ay dahil sa `yo. `Tapos, hindi ka maniniwala na mahal kita?
Pangarap ni Olivia Sinagtala ang maikasal. Ngunit sa mismong araw ng kasal ay may isang babaeng buntis na dumating at nagdeklara ng giyera. At kung inaakala niya na kulang pa ang bangungot na iyon ay nagkakamali siya. Pinili ng kanyang groom ang babaeng buntis na nanggulo sa kasal nila.
Sa kagustuhang makapaghiganti sa kahihiyang sinapit ay bumuo siya ng plano upang sirain ang nalalapit na kasal ng ex-groom niya. Kinaray pa niya ang best friend na si Julian upang tulungan siya sa paghihiganti. Subalit lahat ng plano nila ay nauuwi sa kapalpakan.
Subalit kahit ganoon ay nanatili pa rin si Julian sa kanyang tabi. Unti-unti ay nabaling kay Julian ang pagtingin ni Olivia hanggang sa naramdaman na lamang na mahal na niya ang binata. Ngunit kung kailan nagkakaigihan na sila ay bigla namang nanlamig sa kanya si Julian.
Wala na nga yatang pag-asa na matupad ang pangarap ni Olivia na mag-walk down the aisle.