Dahil sa damage na nagawa ni Mimosa sa kotse ni Amis, puwersahang pinagsilbi siya nito. Hindi lang iyon, mukhang hilig din nitong pag-trip-an siya. Pero kinalaunan, natuklasan niya na mabuting tao si Amis kaya hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito.
At lalo siyang na-in love dito nang alukin siya nito ng isang “acting job” nang pagtangkaan itong pikutin ng babaeng nagke-claim na nabuntis nito. Pagkatapos niyon ay nagkatugon ang damdamin niya para dito. Pero ayaw silang tantanan ng pamilya ng babaeng iyon, siniraan siya ng mga ito kay Amis hanggang sa kamuhian siya ng binata…