Sa edad na beinte-singko, fully dependent pa rin si Alejandra sa kanyang Lola na si Donya Serafina. Tila wala itong kabalak-balak na pag-aralan ang pamamalakad ng Rancho Riego, lalo pat nangangailangan iyon ng beinte-kuwatro oras na interaction sa mga tauhan na pawang mga lalaki. Naisip ng kanyang Lola: ano na lang ang kahihinatnan ng ranchong pinaghirapang itaguyod ng kanyang esposo kung si Alejandra ang magmamana niyon mula sa kanya?