Sa susunod, kung gusto mong halikan kita, sabihin mo lang. Hindi `yong iniinis mo pa ako para lang halikan ka.
Si Sam ang tipo ng babae na pinapahalagahan ang kanyang freedom sa pagpili ng lalaking nanaising makasama habang-buhay kesehodang mag-rally siya sa EDSA. `Yon nga lang, hindi niya kayang suwayin ang parents niyang mas matigas pa yata ang ulo kaysa sa kanya. So she decided to piss off the man her parents want her to marrythe handsome young lad, Joseph Velascokahit hindi pa siya nito kilala, para umurong sa kasalan nila. Kaya lang, bakit umeepal ang kalbong si Kupido ngayong nagsisimula na ang laban? Bakit kung kailan nakukuha na niya ang gusto niyang kalayaan ay saka lang niya mas gustong magpatali na lang kay Joseph? Bakit ba ito masyadong guwapo na ikinakairita niya kapag may babaeng lumalapit dito?
Si Sam yata ang problema, eh.