“Mahirap magmahal ng isang tao na hindi mo masabing mahal mo siya.”
Umuwi sa Pilipinas si Vanessa galing US para matakasan ang sakit ng pakikipaghiwalay sa fiancé niyang si Liam. Nakadagdag pa sa kagustuhan niyang makatakas ang pagtataksil ng papa niya sa kanyang ina.
Nang makabalik si Vanessa sa lola niya sa Zambales, nakita uli niya ang kababatang si Franco na nakilala niya bilang si “Totoy.” Pero malayo na sa salitang “Totoy” ang hitsura ngayon ng lalaki. His body was well-built now—malapad ang dibdib, mayroong washboard abs, at tamang-tama ang muscles sa magkabilang braso.
Sa buong pagbabakasyon ni Vanessa, si Franco ang naging kasa-kasama niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang emosyon sa puso niya kapag kasama ang lalaki. Kahit pa may anak na si Franco, hindi niya napigilan ang unti-unting pagkahulog ng loob sa lalaki. They shared the same pain and sentiments about love. Kagaya niya, minsan na ring nabigo sa pag-ibig si Franco.
Pero mukhang mabibigo uli si Vanessa dahil bumalik si Patricia at binabawi ang mag-ama nito. At nakikita niyang parang natutukso si Franco na muling tanggapin si Patricia…