Last night was just too memorable to forget. Id rather treasure it all my life than pretend it didnt happen.
Nakilala ni Lira si Gabriel nang pansamantalang tumuloy ang binata sa bahay nila habang nilalakad nito ang mga papeles papunta sa abroad para doon magtrabaho. Sa maikling panahong magkasama sila ay nabuo ang isang pag-iibigan. Ngunit dumating ang araw na kailangan nang umalis ni Gabriel. Sa pag-alis nito ay walang araw na hindi umiyak si Lira; labis siyang nangulila sa binata. Hindi niya alam kung muli pa silang magkikita, dahil wala naman itong iniwang pangako na babalik pa. Gayunman ay matiyaga siyang naghintay. Hanggang sa napagod na ang kanyang puso. Pagkatapos ng ilang taong paghihintay ay nakatagpo si Lira ng bagong lalaking mamahalin.
Ngunit nagbalik si Gabriel. Nakatakda namang ikasal si Lira sa iba. Sa pagkakataong iyon ay nangako si Gabriel na gagawin ang lahat para bawiin siya.