Gold digger ka? Thats why you seduced me? Maghukay ka na! Dig all my gold, baby!
Ipinagkasundo si Alodia ng kanyang mga magulang kay Dr. Max San Pedro. Hindi siya tumutol kahit hindi pa niya nakikilala ang doktor dahil mayaman ito at iyon lang ang mahalaga.
Pero hindi sumipot sa kanilang introduction dinner ang lalaki at nabuo ang isang hinala na may misteryo sa pagkatao nito. So, Alodia pretented to be somebody else and changed her appearance. Bilang si Louise Briones ay nag-apply siyang sekretarya sa klinika nito. Lulutasin niya ang misteryo ng kanyang husband-to-be.
Pero ang pagpapanggap ni Alodia ay nadagdagan pa ng panibagong pagpapanggap. Napagkamalan siya ni Max na isang espiyang ipinadala ng mama nito. Hiningi nito ang tulong niya para hindi matuloy ang kasal nito kay Alodia. Pinagpanggap siya ni Max na girlfriend nito.
Hindi niya alam kung paano siya makakaahon sa patong- patong na pagkukunwari, lalo na nang mahulog ang damdamin niya kay Max. Bilang si Louise, paano niya pipigilan ang nakatakdang kasal nito sa babaeng wala ring iba kundi siya?