Lets just be what we really are. Dalawang taong interesado sa isat isa `yon ang totoo.
Marami ang nangangarap na magkaasawa ng MMMMatandang Mayaman na Madaling mamatay. Isa na sa mga iyon si Candida. At hindi siya nabigo sa pangarap niyang iyon dahil naikasal siya sa isang matandang ubod ng yaman. Pero namatay ang matanda sa mismong gabi ng kanilang pulot-gata.
Ngunit nalaman niyang may nawawalang apo pala ang kanyang sumalangit na esposo. Kaya ipinahanap niya ito. At natagpuan naman itosi Pocholo. Buong paninindigang tinanggihan ni Pocholo ang mamanahing kayamanan.
Simple lang ang dahilan: ayaw nitong maging lola siya nito. Kasi raw, Ang ganda ng lola ko.