Next time na ang I love you, baka hindi mo kayanin.
For the first time, may manliligaw si Constantinasi Mateo. He was the perfect suitor: good-looking, rich, decent, a gentleman. Pero kung hindi ka kagandahan, hindi kaseksihan at katalinuhan na kagaya niya, sasagutin mo ba si Mateo? Siyempre hindiinsecure ka, eh! Kaya, ang binalak niyang patusin ay ang best friend ni Mateo. Ang kaso, dahil doon ay nalagay siya sa alanganin. Naitakda siyang ikasal sa naturang best friend, isang lalaking hindi siya type at hindi rin niya type. Hiningi ni Constantina ang tulong ni Mateo. Tumanggi itong makipagsabwatan sa kanya para maiurong ang kasal. Constantina had no choice. Ginawa niya ang hindi pa niya nagagawa at nararanasan sa buong buhay niya: niligawan niya si Mateo. Pakipot naman ang tinamaan ng kulog.