"Nunca akong pakasal sa babalina at banlag na babaeng yun!" mariing sabi ni Argon sa kaibigan nito.
Dinig na dinig naman ni Gracita ang walang-pakundangang pamimintas ng lalaking nakatakda niyang mapangasawa. At dahil sa insultong natanggap mula rito, gumawa siya ng paraan para makaganti sa kayabangan nito.
Kasama sa plano niya ang makilala ni Argon si "Zita", isang maid na kinulang yata sa nutrisyon kaya sumobra ang kabo-bohan nito. Ngunit dahil talagang ayaw makasal ng lalaki kay Gracita, inalok nito ng salapi si "Zita" para magpanggap na fiancee nito.
Ang Hindi kasama sa plano niya ay ang mapaibig ni "Zita" ang lalaki. At si Gracita, she ended up being caught in her own trap. At nasasaktan siya sa pangyayaring iyon.