Hindi nakakibo si Renalda sa kinahihigaan. Ni ang gumawa ng kahit anong sound ay hindi niya nagawa. Parang gusto na niyang pagsisihan ang planong pamimikot.
Gustong-gusto na niyang pigilin ang lalaki sa ginagawa nitong paghalik sa kanyang tainga at leeg. Ang kamay naman nito ay walang pakundangang gumala sa buo niyang katawan.
You want me so bad, baby, youll have me, bulong pa rin ng lalaki.
Madilim na madilim ang buong silid, sapagkat pinatay niya ang lampshade.
Napapikit siya nang mariin nang kumubabaw sa kanya ang lalaki. Lakas-loob niyang niyakap ito. Sa isip niyay mas mabuti na iyon para matapos na.
Si Ronaldo naman ay biglang natigilan. What was happening? Then it hit him. Shit! bulalas nito, tila naglaho ang kalasingan.
Nooo! sigaw niya.
Ibang lalaki ang nais niyang pikutin. Hindi si Ronaldo!