"I told them na girlfriend na kita. Whether you like it or not, you'll have to behave that way. And don't worry, I don't like being touched so you can't complain."
Inakala ni Patrick na nagawa na niyang mabuhay nang normal sa piling nina Mr. Monde at Katrina. Subalit nagkamali siya dahil natunton siya ng mga nilalang na tumutugis sa kanya. Batid ni Patrick na madadamay ang pinakamamahal niyang si Katrina kaya para hindi mapa-hamak ang dalaga ay pinili niyang lumayo.
Sa kanyang paglayo ay nakilala niya si Mang Roger, isang misteryosong nilalang na tumulong sa kanya na makaligtas mula kay Voltaire, ang katipan ng bampirang kanyang napatay. Ngunit bukod sa pagpatay niya umano kay Voltaire ay nalaman ni Patrick na may iba pa palang pakay ang mga tumutugis sa kanya. Walang iba kundi ang Chemical X, isang klase ng antidote na kayang gawing normal na tao ang isang bampirang katulad niya...