Kahit nakakakilig ang mga text message mo, I still prefer to hear them from you .
Natutulog noon si Jed. At noon lang nagkaroon ng pagkakataon si Ayeza na pagmasdan ito.
Guwapo ang binata. Malapad ang dibdib na para bang kay sarap ihilig ang kanyang ulo. He was a typical tall, dark, and handsome type. At hindi lang basta typical. May kung ano sa personalidad ni Jed na kakaiba.
Mayamaya ay ipinilig ni Ayeza ang kanyang ulo. Nahindik siya sa pumasok sa kanyang isipan.
At kailan pa niya pinag-interesan ang kanyang best friend?!