Sa bawat araw na dumaan na hindi kita nakakasama, halos mabaliw ako sa lungkot.
Nagpunta sa Korea si Soo-jin upang hanapin ang kanyang ama. Pero nagkasunod-sunod ang problema niya. Nawalan siya ng trabaho, hindi niya nakita ang kanyang ama sa address na meron siya, at ngayon ay hinahabol pa siya ng isang loan shark.
Sa kalagitnaan ng pagtakas ni Soo-jin sa taong pinagkaka- utangan, nakabangga niya ang isa sa mga miyembro ng sikat na boy group na One Daysi Tyrone Han. At pinagbintangan pa siya ng lalaki na nagnakaw ng wallet nito. Napatunayang hindi totoo ang ibinibintang ng binata sa kanya. Galit na galit si Soo-jin at pinagbantaang gagantihan ang binata. Pero labis na nagsisi si Tyrone sa ginawa at sinabing handa itong tulungan siya hanggang sa mabayaran niya ang kanyang pinagkakautangan.
Dahil kay Tyrone, nagkaroon ng trabaho si Soo-jin at nabayaran ang kanyang pinagkakautangan. Wala nang dahilan para manatili pa siya sa poder ni Tyrone, kahit sinasabi ng puso niya na umiibig siya sa binata.
Wala na talagang dahilan dahil si Tyrone ay may iniibig namang iba.