Ill always remember and the girl who once made me her hero.
Noon pa man ay umiibig na si Micah kay John Kim. Pero hindi siya nakikita ng binata dahil inilihim siya ng kakambal niyang si Clarize na nobya ng binata. Ngunit may mga pagkakataong nakakasama ni Micah si John Kim nang lingid sa kaalaman ng binataiyon ay kapag si Micah ang nagpapanggap na Clarize kapag hindi sinisipot ng kapatid ang nobyo.
Sampung taon ang lumipas ay muling nagkrus ang mga landas nina Micah at John Kim. Pero gaya ng dati, alam ng binata na si Micah si Clarize. Nang sabihin ni Micah ang totoo na kakambal siya ni Clarize ay ayaw maniwala ni John Kim hanggang sa dinala niya ang binata sa puntod ng kapatid na namatay sa brain tumor.
Inakala ni Micah na doon na magtatapos ang pagkikita nila ni John Kim pero nagulat siya nang patuloy na mangulit ang binata. Hindi na niya natanggihan si John Kim nang sabihin nitong nais nitong maging magkaibigan sila. Naging malapit sila at nahulog ang loob sa isat isa.
Inakala ni Micah na kaya nakipaglapit si John Kim sa kanya ay dahil sa wakas nakikita na siya nito bilang siya. Pero nagkamali siya.
Ginagawa lang pala iyon ni John Kim dahil nami-miss nito si Clarize. At mukhang mahal pa rin ng binata ang kakambal niya.