The days I've spent with you are better than forever and eternity combined.
Buo sa isip ni Zachariel na maging isang ganap na arkanghel sa sandaling magtapos ang panghuling pagsubok at magbalik na siya sa Tierra Celes. Tiwala siya sa kanyang talino at kakayahan na makaangkop sa mundo ng mga mortal. Lalo pa at may kumupkop sa kanya na mabubuting-loob.
Ang hindi inaasahan ni Zachariel ay ang unti-unting paglapit ng kanyang loob sa mga miyembro ng pamilyang kumupkop sa kanya. Lalo nasa batang babae na si Paulee.
Tuwing mapapatingin siya sa ina ng bata na si Emma ay may kung anong damdamin na tila binubuhay ang babae sa kaloob-loobang bahagi ng kanyang pagkatao. At bakit habang tumatagal ay tila siya nakararamdam ng ibat ibang emosyon gayong hindi iyon posiblesa isang tulad niya?
At sa huli pipiliin ba ni Zachariel na kalimutan ang hangarin kapalit ang ilang sandali na maranasan ang pagmamahal sa huling pagkakataon?