Ill make you fall in love with me again, Sunday. Just like old times.
Mga bata pa lang sila ay minahal na ni Sunday si John. At alam iyon ng binata dahil very vocal naman siya sa kanyang damdamin.
Ngunit kahit ano pa ang gawin ni Sunday ay hindi siya makuhang mahalin ni John. Walang ibang bukambibig ang binata kundi si Alyanna.Nasa babae raw kasi ang katangiang hinahanap nito sa isang babae. Ang kasimplehan.
To spite John, pumasok siya bilang isang modelo. Kung si Alyanna ay simple, puwes siya naman ay magiging glamorosa!
When she finally decided to go to the States to forget him, bigla namang nag-propose sa kanya ng kasal si John. At ginawa iyon ng binata sa harap ng audience sa isang fashion show niya!
She was touched by what he did. Imagine, he professed his love for her in front of so many people!
Ngunit ang problema, hindi siya naniniwala kay John. Lalo na at naaalala niya ang ginawang pagtanggi ng binata noon sa kanya.