"I love you not because of what you are, but because you accepted me in spite of what I am."
Ipinangako ni Erika sa kanyang sariling hinding-hindi niya mamahalin ang isang katulad ni Jomari. Pasasakayin lamang niya ito, aakitin at paiibigin. At iyon ay upang ilayo ito sa kanyang stepmother.
Natakot siyang tuluyang iwan ng Tita Dianne niya ang amang labis na nangangailangan dito. Kaya't ginawa niya ang lahat para mabaling sa kanya ang atensyon... ang pag-ibig ni Jomari na pinaniwalaan niyang lover ng kanyang madrasta.
Hinding-hindi niya akalaing siya rin ang babali sa ipinangako niya. At siya ang nahuhulog sa sariling patibong... dahil bawat gabi'y pinapangarap na niya ang makulong sa mga bisig ng lalaki, ang maangkin nito... ang mahalin nito.