"I love you, Angela, so much. I thought that I would never experience happiness again. But you came and taught me how to smile again.
Ipinangako ni Angela sa kanyang sarili na pagbabayarin niya ang lalaking nagtulak sa kanyang kapatid sa maaga nitong kamatayan.
Pagkaraan nang pitong taon, nahanap din ng imbestigador na inupahan niya ang Miguel na binanggit ng kapatid niya sa huling sulat nito sa kanya. Sa labis na pagkasabik na malaman ang katauhan ng lalaki, she chartered a plane para lang makabalik sa Maynila.
Nabuwisit siya nang malamang hindi siya nag-iisa sa flight na iyon. Kasama niya ang isang lalaking nagngangalang Jaime na guwapo nga ay mailap at arogantc naman.
Ngunit hindi sa Maynila nag-landing ang eroplano. Nag-crash sila sa isang isla. Doon sa islang iyon, nabuo ang pag-ibig sa pagitan nila ni Jaime.
Nang ma-rescue sila, isang bagay ang nadiskubre niyang labis niyang ikinapanlumo. Si Jaime ay si Miguel. She loved the man she was supposed to hate!