"Dati, sabi ko, I will do everything to reach my dream na yumaman nga. But you know what? Now, I'm willing to give up that dream, everything for you, just to be with you.
Ang tanging nais ni Isabela ay ang yumaman. Sa isip niya, alam niyang kapag yumaman siya, wala nang taong maaaring makapanakit sa kanya.Gagawin niya ang lahat makamit lamang ang nais niya. She planned to seduce filthy rich men and cry rape afterwards.
Ngunit pumalpak ang unang plano niya. Wala siyang ibang choice kundi ang pagtiyagaan ang nerdy millionaire na si Josefino de Asis.
Dumating ang pagkakataong hinihintay niya. Tuluyan na niyang naakit si Josefino. Sampung milyong piso ang kapalit ng pamba-blackmail niya rito.At nang sadyain siya nito sa kanila...
"Alam mo, Sabel. Kung maibabalik ko ang lahat, wala akong babaguhin na kahit na ano. I could have given you more than ten million pesos. I could have given you everything I own dahil hindi mababayaran ang kaligayahang nadama ko sa loob ng ilang buwang nakasama kita," sabi nito.
Pakiramdam niya ay dinikdik ng almires ang puso niya.