I'm telling you, Joaquin, it's all behind us now. We'll start something new and something more beautiful."
Hindi matanggap ni Chinggay ang nangyari sa kanyang pamilya, kaya pilit pa rin siyang nagpapanggap na mayaman siya.
Ang rason niya, hindi naman magtatagal at yayaman uli siya dahil sisiguruhin niyang mayaman ang mapapangasawa niya. He must possess the three Fs, ang pamantayan niya sa pagpili ng mapapangasawa: face value, flashy car, at fat bank account.
Kaya naman panay ang pakikipag-text niya sa mga rich and eligible bachelors. Kaya lang, panay naman palpak ang mga nakikilala niya.
Hanggang sa makita niya si Gabriel Joaquin Zaragoza. He possessed all the three Fs. Kaya lang...