"Sana kahit minsan, magtiwala ka naman sa pag-ibig ko..."
Sinamantala ni Alison ang kabaitan ng ama, kaya nang mapuno ito sa kanya ay ipinabahala kay Marcus ang pagdisiplina sa kanya.
Kung may lihim man siyang paghanga sa guwapong binata ay napalitan iyon ng inis daliil nagsilbing anino niya ang lalaki.
Ang bawat kilos at gawin ng dalaga ay pinupuna nito, kung kailangan ay pinagbabawalan siya. Ang inis ay napalitan ng galit, lalo pa't nalaman niyang pinakasalan ng kanyang papa ang ina ng binata
Kailangang mawala sa kanyang landas ang mag-ina Hindi dapat magkaroon ng karapatan sa kanilang kayamanan ang mga ito.
Kailangan din niyang supilin ang damdaming humahanga na unti-unti nang nauuwi sa lihim na pag-ibig para sa binata.
Hindi dapat manaig sa kanyang puso ang pagnanais na tuklasin kung ano pa ang kayang ipagkaloob sa kanya ni Marcus kung lalampas pa sa halik ang paminsan-minsan nitong kapangahasan sa kanya.