I love you, and Im not gonna think about it. Ill just let it be .
Nakatakdang ikasal si Leo kay Angela. Iyon ang kasunduan ng kani-kanilang mga lolo. Okay lamang iyon sa binata sapagkat bata pa sila ay may pagtingin na ito sa dalaga.
Ngunit nawala si Angela. Ang naipit sa sitwasyon ay si Leo at ang nakababatang kapatid ni Angela na si Gaby. Sila ngayon ang nakatakdang magpakasal.
Over my gorgeous body! Ang hiyaw ng isip at puso ni Gaby, ngunit hindi siya nag-iisa sa pagpoprotesta. Si Leo man ay nagpupuyos din ang kalooban. Siraulo lang ang magpapakasal sa bubwit na kapatid ni Angela!
Ngunit ngayon ay iba na ang ibinubulong ng kani-kanilang mga puso. Marinig naman kaya nila?