Wala akong palasyo at hindi ako mayaman.You are my princess but Im not your prince becauseI am your knight in shining armor. At poprotektahan kita at mamahalin nang buong puso.
Umalis si Charmaine ng kanilang bahay dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang ama. Hindi niya inisip kung saan man siya dalhin ng sinakyang bus, matakasan lamang ang kalungkutang nadarama. Hanggang sa mapadpad siya sa isang malayong probinsiya, sa bayan ng San Isidro. Doon niya nakilala si Renzscott, ang lalaking napagkamalan niyang snatcher na isa palang respetadong alagad ng batas.
Sa una pa lang ay inis na ang nadama nila para sa isat isa. Pero akalain ba naman ni Charmaine na sa bahay rin pala siya ng binata makikituloy?
Lagi silang nagbabangayan kaya hindi inaasahan ni Charmaine na mahuhulog ang damdamin niya kay Renzscott. Kaya lang ay may mabigat na tungkulin ang binata na dapat unahin.
May pag-asa kaya siyang mahalin ni Renzscott gayong may mas malaking responsibilidad ang binata kaysa ang alagaan siya at mahalin?