"Kailangan pa bang tanungin kung mahal kita? Hindi mo ba nararamdaman iyon sa aking mga yakap at halik?" Nang magkaroon ng trahedya sa buhay ng pamilya nila ay si Adam ang tumulong kay Catherine. Para sa kanya ay normal lamang na tulungan silang mag-iina ni Adam dahil kaibigang matalik ng Daddy niya ito at kinakapatid pa. Subalit ang malamang pinakasalan siya nito by proxy dahil nanganganib siya sa matandang lalaking pinagkakautangan ng kanyang ama ay hindi niya maunawaan, lalo na at may girlfriend na ito, si Sandy.