"Sikilin man ang damdamin, hahanap at hahanap ng tamang landas ang pag-ibig."
Nang pakasal si Jena kay Takishe, isang turistang hapon na ilang araw lang niyang nakilala, ginawa niya itong tuntungan upang makarating at makapagtrabaho sa Japan.
Sa pagdaan ng mga araw ay napamahal din kay Jena ang banyagang asawa, kaya hinangad niyang magkaanak sila sa pag-aakalang ito ang lalong magbibigkis sa kanilang dalawa.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Jena, walang tiwala si Takishe sa babae sa kahit sinong babae at ayaw nitong magkaroon ng anak!
Tutol si Takishe ngunit buntis na si Jena. Ano ang gagawin niya?