Minahal na kita noong una pa man kitang nakita.
I hate you! singhal ni Incar, sabay talikod upang iwan ang nangingising si Jacob. Kakambal ito ni Jonah, ang lalaking nakatakda niyang pakasalan.
Subalit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Jacob sa kanyang braso. At maging nang hindi pa nakakahuma sa kabiglaan si Incar ay bigla siya nitong siniil ng pagkadiin-diin na halik sa kanyang mga labi. Mapusok iyon. Mapagparusa.
Noon lang nahalikan nang ganoon si Incar.Napakasuyo kung humalik si Jonah.
Samantalang si Jacob ay napakabrusko.
Ngunit namalayan na lamang ni Incar na tinutugon na pala niya ang mga halik nito. At pati na ang kanyang mga kamay ay naging agresibo na nangungunyapit na sa leeg ni Jacob!